Reading Time: 1 minute

Nasa 22 katao ang inaresto sa operasyon kontra droga sa magdamag na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Metro Manila.

Unang nilusob ng PDEA ang dalawang drug den sa Brgy. 432 sa Sampaloc, Maynila at naaresto ang 14 na katao.

Nakuha rito ang may 45 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P306,000 at mga drug paraphernalia.

Lima naman ang naaresto kasama ang dalawang menor de edad sa buy bust operation sa Novaliches, Quezon City.

Naaresto dito ang target ng operasyon na si alyas Toto Black.

Tatlo naman ang nahuli sa buy bust operation din sa Brgy. Payatas kabilang ang target ng operasyon na si alyas Taktak na nakuhanan ng pitong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.