-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kanilang isasailalim sa drug rehabilitation ang babaeng nakitang lumabas sa isang imburnal ng lungsod ng Makati.

Ayon sa DSWD na inamin ng nasabing babae na ito ay gumagamit paminsan-minsan ng iligal na droga.

Bahagi aniya ang rehabilitasyon sa makatao at holistic approach sa mga taong naninirahan sa lansangan.

Una na ring sinabi ni DSWD Secrertary Rex Gatchalian na tinutulungan ng ahensiya ang mga lahat ng mga naninirahan sa lansangan para makabalik sa lipunan at sila ay maging responsable.