Reading Time: 1 minute
Southaven shooting
Mississippi shooting

Patay ang dalawang katao matapos ang pamamaril ng isang empleyado ng Walmart sa Mississippi.

Ayon kay Southhaven Mayor Darren Musselwhite na bigla na lamang namaril ang hindi na pinangalanang suspek matapos na makaalitan ang manager ng Walmart.

Nasugatan ang rumespondeng pulis at maging ang suspek na kapwa dinala ang mga ito sa pagamutan.

Sinabi naman ni Southaven Police Chief Macon Moore na nailigtas ang pulis dahil sa suot nitong bullet-proof vest.

Nagpaabot naman ng pakikiramay at handang tulungan ng Walmart ang mga nasugatan at nasawing mga biktima.