Nahaharap sa anim na federal charges at state 1st degree murder charges ang Minnesota shooting suspek.
Humarap na sa korte ang 57-anyos na si Vance Boelter,matapos ang pagkaaresto nito dahil sa pagpaslang kay state Rep. Melissa Hortman at asawa nito ganun ang pamamaril kay state sen. John Hoffman at asawa nito.
Ayon sa Hennepin County prosecutor na dahil walang death penalty sa Minnesota ay mahaharap na lamang ang suspek sa first-degree muder charges at kapag na-convict ay maaring hanggang life imprisonment ang hatol sa kaniya.
Sa nasabing pagdinig ay naglabas ang judge ng bench warrant para sa suspek na mayroong $5 milyon na piyansa.
Nananatiling nasa kustodiya siya pa rin ng US Marshals kung saan itinakda ang susunod na pagdinig sa kaso sa darating na Hunyo 27.