-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni PMajor Jennifer Ometer, tagapagsalita ng Police Regional Office-13 na hindi election-related ang naganap na pamamaril kaninang alas-4:50 ng umaga sa Purok Mapuslanon, Brgy. San Isidro, bayan sa Gigaquit sa lalawigan ng Surigao del Norte na kumitil ng dawalang buhay.

Nakilala ang mga biktima na sina Enrica Coter-Alegre, 58-anyos at Sanar Cantilla Pinsa, 37-anyos, lalaki, parehong residente ng nasabing lugar habang suspey ay inisyal na nakilalang si Jojo Plaza, 44-anyos, may asawa at residente sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte.

Sa ating eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Major Ometer na posibleng pagnanakaw ang motibo ng insidente dahil may nawalang pera umano sa mga biktima na nagkakahalaga ng 26 na libong piso.

Patuloy nang tinutugis ng pulisya ang suspetsado na tumakas patungo sa bayan ng Bacuag ng nasabing lalawigan.