-- Advertisements --
Patay ang pitong kabataan mula sa Mexico matapos ang naganap na pamamaril sa Guanajuato.
Ang nasabing kasiyahan ay inorganisa ng Simbahang Katolika.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na bigla na lamang pinagbabaril ng mga armadong suspek ang mga katao sa San Bartolo de Berrios.
Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang suspek matapos ang pamamaril.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging motibo ng mga suspek.