BUTUAN CITY – Patuloy ang pagpapagamot ngayon sa Butuan Medial Center ng isang dispatcher matapos itong barilin sa Brgy. Ampayon nitong lungsod ng Butuan kagabi.
Kinilala lamang ang biktimang si alyas Tuko, may asawa at residente ng Brgy. Basag nitong lungsod.
Napag-alamant bigla lamang binarila ang biktima habang ito’y nasa gilid ng national highway ng P-4 sa nasabing barangay.
Ayon sa nakasaksing si Trinidad Calumba, tindera ng isang stall kungsaan nangyari ang kremin, mismong ang biktima pa ang dumulog sa Butuan City Police Station 4 matapos itong mabaril dahil sa kawalan ng pulis sa police box na malapit lamang sa pinangharihan ng kremin bago ito nagpadala sa ospital.
Habang nakaramdam din ng takot ang kasamahan nitong dispatcher na si Rogelio Molleida dahil magkatabi lamang umano sila nang maganap ang pamamaril kungsaan kaagad din siyang nagtago.