Patay ang dalawang katao matapos na hindi makalabas sa nasusunog na boarding house sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Jay Saavedra, 31, at Ali Jarganta, 37.

Ayon sa mga nakakita ng insidente, nakalabas na si Jarganta subalit bumalik pa ito sa loob para kunin ang kaniyang mga pasaporte at mahahalagang dokumento dahil paalis na ito sa patungong Saudi Arabia.

Nagsimula ang sunog pasado alas-8:00 ng gabi nitong Lunes at ito ay naapula matapos ang halos apat na oras.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.