Itinaas sa signal number 1 ang dalawang probinsiya sa Davao dahil sa bagyong Auring.

Ayon sa PAGASA, nakataas na ang signal number sa Davao Oriental at silangang bahagi ng Davao de Oro na binubuo ng Pantukan, Maragusan, Compostela at New Bataan.

Base sa data ng PAGASA, tinatayang nasa 605 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur ang bagyo na may lakas ng hangin ng hanggan 75 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 90 kilometers per hour.

Inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm sa loob ng 48 hours.