-- Advertisements --

Pormal nang pumirma sa isang kasunduan ang Philippine National Police (PNP) at National Irrigation Administration (NIA) sa pangunguna ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III at ni NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen ngayong araw.

Layon ng kasunduan na ito na palakasin pa ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang organisasyon upang matiyak na magiging banayad at maayos ang magiging implementasyon ng mga irrigation projects na ipapatupad ng NIA sa buong bansa.

Sa ilalim ng kasunduan na ito, handang magbigay ng proteksyon at seguridad ang PNP sa mga sites ng proyekto, seguridad sa implementasyon ng mga proyekto at iba pang mga inisyatibo ng NIA.

Layon din nito na palakasin ang seguridad sa mga rehiyon partikular na ang mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) at iba pang rehiyon na nahaharap sa mga peace and order challenges.

Samantala, ang pagpirma ng hepe sa naturang kasunduan ay sumasalamin lamang sa pagpapatuloy ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga national development programs na inisyatiba ng kasalukuyang administrasyon.