-- Advertisements --

Iniaalok ngayon ng National Irrigation Administration (NIA) ang P100,000 na pabuya para sa kung sino mang makapagbibigay ng mga impormasyon o makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek sa pagpatay kay whistleblower at dating NIA Region 10 employee Kyle Antatico sa Cagayan de Oro.

Ito ang mismong kinumpirma ni Police Regional Office Northern Mindnao Dir. PBGen. Christopher Abrahano sa isang panayam.

Kwento ni Abrahano, personal na sumulat ng liham sa kaniyang tanggapan si NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie Guillen at inihayag na handa silang magbigay ng pabuya para maresolba agad at matukoy ang mga suspek sa krimen.

Kaunod nito ay bumuo agad ng team ang PRO 10 na binubuo ng mga imbestigador at detectives hbang katuwang din nila ang iba pang law enforcement agencies haya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Buareu of Investigation (NBI) upang matiyak na lahat ng mga impormyon o lead sa kaso ay maisasailalim sa isang mabusising imbestigasyon.

Samantala, sa hiwalay na pahayag naman, inihayag ni Acting Philippine National Police (PNP) Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mariing niyang kinokondena ang ang ganitong mga bayolenteng aksyon at tiniyak na tututukan at illantd ang mga personalidad sa likod nito.