-- Advertisements --

Nakatakdang magbigay ng kanilang assistance ang Philippine National Police (PNP) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para inspeksyunin ang higit aa 421 na mga natukoy na ghost flood control projects sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni PNP Spokesperson at Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño na ilang mga yunit ng PNP gaya ng Engineeering Services (ES), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Forensic Group (FG) at ang Information and Technology Management Services (ITMS) ang kabilang para magsiyasat sa mga naturang proyekto.

Napagusapan din aniya sa pagpupulong ang enhanced na information sharing at systems integration sa pagitan ng ICI at ng PNP.

Layon din nito na matukoy ang mga lokasyon ng mga ghost projects na ito sa pamamagitan ng pagaabot ng kanilang hanay ng technical at investigative support sa ICI.

Ang mga yunit naman ay may kaniya-kaniyang layunin gaya ng pagtukoy ng mga teknikal na mga dokumento, forensic investigation and validation at iba lang klaseng ng technical support.

Samantala, bagamat naabisuhan na ang mga yunit sa kani-kanilang gamoanin sa imbestigasyon ng ghost projects na ito ay walapang inilabas na bilang o datos kung ilang pulis ang itatalaga para sa pagkakasa ng mga validation ng mga proyekto.

Sa kabila nito, tiniyak ng Pambansang Pulisya na sila ay kaisa ng ICI para mapabilis ang imbestigasyon at beripikasyon ng mga proyekto para sa ikakausad ng mga kaso hinggil dito.