-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung sakali man na kailanganin ng pamahalaan ng kanilang tulong para sa paghahain ng arrest warrant laban kay Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II, kung sakali man na lumabas ang isang order mula sa isang competent court na naguutos na arestuhin ang isang personalidad, kaht anumang pangalan o sinuman ang nakasaad sa kautusan ay agad nilang ikakasa ang implementasyon nito.

Ito aniya ay bilang bahagi pa rn ng kanilang mandato na magpatupad at ipatupad ang mga umiiral na batas kahit sino pa man ang dawit na pangalan dito.

Samantala, matatandaan naman na nauna nang pumutok ang isyu bunsod ng mga naging pahayag ni Ombudsan Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla sa isang panayam na mayroon nang nakahandang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kung saan kasalukuyang dinidinig ang mga kaso ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.