Sugatan ang dalawang jail guards ng Pasay City Jail matapos ang pagwawala ng ilang inmates.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Chief Insp. Xavier Solda, kinilala ang mga sugatan na sina Jail Officer 1 Jeremy Addawe at Jail Officer 1 Jessie Boy Alverio.

Wala aniyang grabeng tinamong sugat ang dalawang jailguard at ligtas na rin ang mga ito.

Nagsimula ang kaguluhan ng umayaw ang 12 inmates na mailipat sa Metro Manila District Jail.

Gumamit ang mga inmates ng mga sirang monoblock chairs at bahagi ng mga water dispenser para saktan ang mga jail guards.

Pawang mga miyembro ng Batang City Jail ang mga nanggulong inmates.