-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Immigration na tuluyan ng nailipat ng kulungan ang naaresto at kontrobersyal na video content creator na si Vitaly Zdorovetskiy.

Kung saan inilipat ang naturang Russian Vlogger sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP buhat ng ito’y makulong.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, isinagawa ang paglilipat nitong nakaraan lamang habang kinkaharap pa ng akusado ang mga kaso nito.

Nahaharap kasi ang Russian Vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa ilang mga kasong isinampa laban sa kanya bunsod ng siya’y maaresto kamakailan.

Maalala na siya’y naaresto ng mga otoridad noong buwan ng Abril dahil sa mga ikinilos nito habang gumagawa ng isang video content na siyang naKapekto at nakabastos sa ilang mga inidibidwal o Pilipino.

Kaya naman nang siya’y makulong, humirit ang Russian Vlogger na makapagpyansa o pansamantalang makalaya ngunit ito’y tinanggihan ng kawanihan.

Giit ng Bureau of Immigration na siya’y mananatili sa sa loob ng kulungan hanggang sa dumating ang araw na maresolba na ang mga kaso nito.

Gayunpaman ay binigyang diin ng kawanihan na walang ‘special treatment’ para sa kanya o mga dayuhang lalabag sa batas ng bansa habang hindi pa naipapataw maging ang deportasyon.