Ipinahayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na sa naging pagbisita kahapon ng Office of the Solicitor General sa kanilang tanggapan ay nagkasundo silang na maghain na lamang ng ‘motion for clarification’ sa Korte Suprema ngayong linggo sa halip na ‘motion for reconsideration’ na may kaugnayan sa pag-abandona sa ‘second place rule’.
Aniya, naniniwala ang poll body na sa kanila pumanig ang Korte Suprema sa naging desisyon kaya naman hihiling na lamang sila ng klaripikasyon patungkol sa ilang mga bagay ng ruling.
Matatandaan na noong nilabas ang naturang ruling, isa sa mga nais bigyang-linaw ng poll body ay kung ito ba ay makakaapekto rin sa mga nauna na nilang naging desisyon o para lamang sa mga desisyon pagkatapos mapatupad ang ruling dahil ayon kay Garcia, magkakaroon ng malaking epekto ito sa kanilang mga inilabas na resolusyon.