-- Advertisements --
Engaged na ang aktres na si Kylie Verzosa sa non-showbiz boyfriend nito na si Emil Eriksen.
Ibinahagi ito ng isang lifestyle magazine ang mga larawan ni 2016 Miss International kung saan suot nito ang isang engagement ring.
Sa iba pang mga larawan ay makikita na kasama ng beauty queen ang kaniyang nobyo.
Taong 2024 ng ipakilala ni Kylie sa publiko ang nobyo sa pamamagitan ng isang video sa social media.
Mula noon ay ibinahagi ng dalawa sa social media ang mga larawan nila sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa.














