-- Advertisements --

Nagpakita ng suporta sina Angelica Panganiban at Maja Salvador para kay Heart Evangelista sa isang espesyal na pagtitipon na inorganisa ni Dr. Aivee Teo, bilang pagdiriwang sa pagiging July cover star at kauna-unahang guest editor ni Heart sa Harper’s Bazaar Singapore.

Ibinahagi ni Dr. Aivee sa Instagram ang mga litrato nina Heart, Angelica, at Maja, kabilang ang isang cute na larawan kung saan hawak ni Angelica ang cellphone case na may artwork ni Heart — isang patunay ng kanilang matibay na pagkakaibigan.

Dumalo rin sa okasyon ang mga kaibigan ni Heart tulad nina Kylie Verzosa, Mimiyuuuh, Janeena Chan, at ang kanyang kapatid na si Camille Ongpauco.

Sa nasabing magazine feature, ibinahagi ni Heart ang kanyang bagong pananaw sa buhay sa edad na 40, at inihayag ang pagbabalik ng kanyang reality series na Heart World.

Maliban sa kanyang fashion career, aktibo rin si Heart bilang presidente ng Senate Spouses Foundation Inc. na nagsasagawa ng mga donation drive para sa mga nasalanta ng bagyo at habagat.