Nagpaalala ang aktres at Global Fashion Icon na si Heart Evangelista sa mga netizen na maging mapanuri sa mga taong hinahangaan at sinusundan nila sa social media.
Sa isang panayam sinabi ni Heart na hindi lahat ng nakikita online ay nagpapakita ng buong pagkatao ng isang tao.
Aniya, kung ang isang tao ay tila “too good to be true,” malaki ang posibilidad na madalas ay hindi ito totoo.
Binigyang-diin din niya na may mga taong mukhang mabait at palakaibigan online pero iba naman ang kanilang pakikitungo sa personal.
“Usually, the people you think are the ones who are constantly trying to be one with everyone are actually the real bullies because they’re not like that in person,” ani Heart.
Nagbigay rin siya ng paalala tungkol sa tagumpay at kasikatan.
Ayon pa sa aktres, gaano man kataas ang marating ng isang tao, mahalagang huwag kalimutan kung saan siya nagsimula, manatiling mapagpakumbaba at nakatapak ang paa sa lupa.
Hinimok din niya ang mga taong biglang sumikat online na huwag hayaang makaapekto sa kanilang ugali ang pagiging viral online.
“Be kind to everyone. Don’t be a bully,” dagdag ni Heart.
















