-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Heart Evangelista na ito ay magbabalik sa trabaho ngayong taon.
Sa social media account nito ay nagpost ito ng larawang kung saan sinabi niya na “Back To Work”.
Noong nakaraang taon kasi ay tila namahinga ito sa pagdalo sa mga fashion events sa ibang bansa.
Ipinasilip din ng dating aktres ang pagsukat sa kaniya ng isang sikat na luxury fashion brand.
Hindi naman na binanggit nito kung anong mga event ang kaniyang dadaluhan ngayong taon.
















