-- Advertisements --
Itinanggi ng aktres na si Kris Bernal ang mga paratang na ginagaya umano niya si Heart Evangelista.
Sa panayam sa aktres sinabi niyang hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga alegasyon.
Ayon pa sa aktres, hindi siya mayaman o marangya gaya ni Heart at wala rin siyang mga mamahaling alahas o bag na kagaya ng sa fashion icon.
Nilinaw din ni Kris na hinahangaan niya si Heart at hindi umano siya naiinggit dito; sa halip, inspirasyon niya ito upang mas magsikap at magtagumpay sa sariling paraan.
Magugunitang si Heart Evangelista ay kilalang international fashion figure na madalas dumalo sa Milan at Paris Fashion Weeks, habang si Kris ay kasalukuyang nagbabalik-acting matapos pumirma ng kontrata sa isang sikat na estasyon sa bansa.