-- Advertisements --

Binalaan ng actress na si Angelica Panganiban ang publiko laban sa online scam na gumagamit ng larawan at pangalan ng kaniyang business resort.

Sa kaniyang social media account nito ay ibinunyag niya na mayroong Facebook page ang gumamit ng kanilang negosong resort.

Nanawagan ito sa publiko na huwag agad maniwala at magsagawa ng mass reporting ukol sa nasabing insidente.

Pinag-iingat din nito ang mga followers na huwag basta maniwala at magpadala ng anumang pera.