-- Advertisements --
Nakatakdang sumabak na sa teatro ang actress na si Angelica Panganiban.
Sa buwan ng Hunyo ipapalabas na ang “Don’t Meow for Me, Catriona” kung saan gaganap siya bilang si Phoebe.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang kasabikang mapabilang sa nasabing play.
Umaasa ito na matanggap siya ng kaniyang mga fans sa unang pagsabak niya sa kakaibang acting.
Dagdaga pa nito na sa buong buhay niya ay hindi niya akalain na sasabak ito sa teatro.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga fans at kasamahan sa showbiz ng actress matapos na mabalitaan ang pagganap nito sa teatro.