-- Advertisements --

Binatikos ni Negros Oriental Representative-elect Janice Degamo, asawa ng pinaslang na dating gobernador na si Roel Degamo ang naging pagpapadala sa ospital kay former Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.

Kung saan kinuwestyon nito ang naging hakbang ng mga otoridad ng ito’y dalhin sa pagamutan dahil sa iniinda nitong sakit.

Pagdududa kasi ni Janice Degamo na kung ganito rin ba ang pagtrato sa isang regular na bilanggo o ‘inmate’ sa ilalim ng sistema ng mga bilangguan sa bansa.

Kaya’t mariin niyang binatikos maging ang rason ng dating kongresista sa kung bakit ito idinala, sakay ng isang ambulansya mula sa kanyang piitan tungo sa isang pinakamalapit na ospital.

Aniya’y pagod at sawa na ang kanilang panig sa mga delaying tactics umano, paglalaro at pagda-drama nito habang kinakaharap ang mga patung-patong na kaso.

Giit pa niya’y dapat ng itigil ni former Negros Oriental Representative Arnie Teves Jr. ito kasabay ng muling panawagan na ito’y mapanagot na upang hustiya’y makamtam ng tuluyan.

Ang naturang dating kongresista ay isinugod ngayong araw sa isang ospital dahil sa iniinda nitong matinding sakit ng tyan na siyang naranasan umano simula pa kagabi.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, lumala aniya ito kaninang umaga kaya’t kanilang hiniling na maidala ito ng agaran sa pinakamalapit na ospital.