-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Corrections na buo ang kanilang suporta sa panukalang batas na layong ireporma ang correctional system sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, nais na pag-isahin ni Senator-elect Erwin Tulfo ang BJMP at BUCOR.

Sa isang pahayag ay sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang hakbang na ito ni Tulfo na pag-isahin ang penology at correctional system sa bansa ay welcome sa kanilang hanay.

Paliwanag ni Catapang na ang panukalang batas na ito ay magbibigay ng pagkakataon na makalaya na ang mga PDLs na may iniindang malalang sakit.

Partikular na rito ang mga inmate na nakapiit sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections.

Tiniyak naman ng opisyal na magagamit ang kinakailangang budget ng sa gayon ay mapabilis ang kinakailangang pag-upgrade sa mga pasilidad na kanilang pinapatakbo.