-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagaling ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr matapos ang matagumpay na emergency appendectomy sa Philippine General Hospital.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio, na kailangan pang manatili ng ilang araw sa PGH ang dating mambabatas para gumaling.

Pinasalamatan niya si University of the Philippines Manila Chancellor Dr. Michael Tee na siyang nangasiwa para sa paglipat ni Teves sa PGH base na rin sa rekomendasyon ng doctor nito na si Dr. Marc Paul Lopez.

Hindi rin maiwasan na batikusin ni Topacio ang pamunuan ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) dahil sa hindi agarang pagtugon sa pagdaing ni Teves ng pananakit sa tiyan.

Kung nangyari sa high-profile inmates ang mabagal na pagbibigay atensyon ng BJMP ay tiyak na magiging kawawa ang kalagayan ng mga ordinaryong inmates.

Una ng hiniling ng kampo ni Teves na kung maaari ay dalhin siya sa pribadong pagamutan subalit ito ay tinanggihan.