Patuloy pa rin ang pakiusap ng Bureau of Fire Protection (BFP) na huwag iwanang walang kasama ang mga bata sa kanila ng bahay.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng batang magkapatid ng masunog ang kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Natagpuang magkayakap ang limang-taong gulang na si Aliyah Raine Morales at isang taon gulang na kapatid na si Anastacia Marie ng masunog ang ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Hindi naman inakala ng lolang madalas na magbantay sa dalawa dahil lagi itong iniiwan sa kaniya ng mga magulang ng mga biktima bago pumasok sa trabaho.

Sinubukang pang iligtas ang mga biktima subalit mabils na kumalat ang apoy.