Inihayag ng abogado ni former Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. na hindi pa rin ito nakalalabas ng ospital partikular ng sa Philippine General Hospital.
Kung saan ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nanatili pa rin ang dating kongresista sa ospital kahit pa na unang naiulat na maaring makalabas na ito ngayong araw.
Inaasahan sanang magbabalik kulungan na si dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. ngayong Martes.
Kung saan matapos ang isinagawang ‘major surgery’ na ‘appendectomy’ sa dating kongresista, binigyan ‘clearance to be discharge’ na ito ng Philippine General Hospital.
Bunsod nito’y ibabalik na sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology ng Annex 2 sa Bicutan, Taguig City ang dating kongresista.
Ngunit sa kabila nito, iginiit naman ng kanyang kampo na kailangang manatiling binabantayan ng mga propesyunal ang kanyang medikal na kondisyon.
Habang kanya pa ring kinakaharap ang mga patung-patong na kaso dahil sa kanyang pagiging sangkot sa krimen na pagpatay at iba pa.