-- Advertisements --

Dumalo si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa nakatakda nitong arraignment na isinagawa ngayong araw, pasado alas-otso ng umaga.

Kung saan personal o pisikal na hinarap ng dating kongresista ang pagbasa ng sakdal kaugnay sa kasong may kinalaman sa pagpatay o murder.

Ito’y buhat ng obligahin ng Manila Regional Trial Branch 15 ang dating mambabatas na dumalo at ipresenta nito ang kanyang sarili ng aktwal sa korte.

Kaya’t mula sa kanyang pagkakapiit sa loob ng Annex 2 ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, inihatid siya tungo sa Manila City Hall.

Habang suot naman nito ang bullet proof vest at kevlar helmet upang magbigay proteksyon sa kanyang buhay.

Bagama’t Manila RTC Branch 15 ang may hawam sa naturang kaso, sa Branch 16 ito isinagawa sapagkat isinasailalim pa sa pagsasaayos ang pasilidad nito at para magbigay ng mas maayos ng paggaganapan ng arraignment.

Sa isinagawang pagbasa ng sakdal, muling iginiit ng dating kongresista ang kanyang karapatan at tumangging magpasok ng plea.

Dahil rito’y mismong ang naturang korte na ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para sa dating kongresista.

Sa kabila nito, kinakaharap pa rin ni ex-Negros Oriental Rep. Teves Jr. ang mga patung-patong na kaso na may kinalaman din sa pagpatay, illegal possesion of explosives at iba pa.