Inihayag ng nakapiit na dating mambabatas na si former Negros Orienal Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa senado ang pagiging bukas na maging testigo sa imbestigasyon hinggil sa flood control projects.
Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel o abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, sumulat ang dating kongresista kay Sen. Rodante Marcoleta, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, upang tumestigo ukol sa katiwalian kanyang nalalaman.
Base sa liham na isinulat sa pamamagitan ni Atty. Topacio, ang hakbang aniya na ito ay bilang tugon sa imbitasyon ng Senado sa sambayanan Pilipino na makipagtulungan maimbestigahan ang naturang isyu.
Ayon pa kay dating Congressman Arnie Teves Jr, ang kanyang ibabahaging testimonya kung mapahihintulutan man ay makapagbibigay ng tulong umano sa naturang kumite hinggil sa mga substandard na flood control projects.
Ang naturang mambabatas ay kumakaharap pa rin sa mga patung-patong na kaso na may kinalaman sa murder, illegal possession of firearms and explosives at iba pa.
Siya rin ang umano’y itinuturong ‘mastermind’ sa naganap na pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.