Champ and Major
-- Advertisements --

Pansamantalang pinalayas sa White House ang dalawang alagang aso ni US President Joe Biden.

Ito ay matapos na kagatin ng asong si Major ang isang security agent.

Naging hindi maganda rin ang pakikitungo ng asong si Major sa ilang staff ng White House.

Dahil dito ay pinauwi sa bahay ni Biden sa Wilmington, Delaware ang nasabing mga aso.

Si Major ay alaga ni Biden mula pa noong 2018 at siya ang unang aso mula sa animal shelter na nanirahan sa White House.

-- Advertisement --

Habang ang isang alagang aso nito ay pinangalanang si Champ na isang 13-anyos.

Ang mga aso ay nanirahan sa White House apat na araw matapos na mahalal si Biden.