-- Advertisements --
Naglabas ng evacuation order ang Israel sa mga Palestino na nasa northern Gaza.
Ang nasbing kautusan ay kasunod ng pagdagdag nila ng mga military action habang isinusulong ni US President Donald Trump ang ceasefire deal.
Karamihan sa mga sinabihan ay mga nasa Gaza City at Jabalia kung saan marapat na sila ay lumipat sa timog bahagi ng al-Mawasi.
Sa loob lamang kasi ng 24 oras ay aabot na sa 86 katao na ang nasawi kung saan tatlo sa mga dito ay mga bata.
Magugunitang una ng nanawagan si Trump na isusulong niya ang peace deal sa Gaza at ibabalik ang mga hostages.