-- Advertisements --

Ikinokonsidera muli ni US President Donald Trump ang pagbomba sa Iran.

Ito ay kapag muling pinapalago ng Iran ang kanilang uranium na ikakabahala ng US.

Dagdag pa nito sang-ayon ito na magasagawa ng inspections sa nuclear sites ng Iran na unang binomba ng US.

Sa mga susunod na araw ay kaniyang sasagutin ang naging pahayag ni Supreme Leader Ali Khamanei ng Iran na tila sinampal nila ang US sa ginawa nilang pag-atake ng airbase ng US na nakabase sa Qatar.

Hindi naman naniniwala ang US President na itutuloy pa ng Iran ang kanilang nuclear program matapos ang ginawa nilang pagbomba.