Arestado ang dalawang lalaki sa Hong Kong dahil sa pagnanakaw ng ilang daang rolyo ng toilet papers.

Ayon sa kapulisan, tinutukan ng mga suspek ang delivery man ng supermarket sa Mong Kok district at kinuha ang rolyo ng toilet papers.

Aabot sa 600 toilet paper rolls ang nakuha ng mga suspek na nagkakahalaga ng $218.

Mataas kasi ang demand ng toiliet papers at ilang mga sanitation products dahil sa banta ng novel coronavirus outbreak.