Nagsagawa community service ang Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles and Lady Eagles Club – NRC 116 sa pamumuno ni Marlon Pantat De Guzman at Angel Payos and Victory Lady Eagles Club – NCR -32 na pinamumunuan ni Mherly Quijalvo under The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated nitong Mayo 18, 2025.
Ilan sa mga serbisyo na kanilang ibinahagi ay ang Free Glucose Sugar test at Blood Pressure test sa mga kapwa nilang overseas Filipino workers sa Hong Kong.
Mahigit 200 katao ang dumalo sa nasabing programa na ginanap sa Bayanihan Filipino Community Complex-Kennedy Town- Hong Kong.
Ito ay bahagi ng mission at vision ng the Eagles bilang bahagi ng humanitarian serivice.
Nanindigan ang mga miyembro ng Bagong Bayani Agila ng Hong Kong na tuloy-tuloy ang gagawing pagtulong nila sa kapwa tao, sa isip, salita at gawa ng mga kababayang OFW sa Hong Kong ng walang anumang kapalit.