-- Advertisements --

Manageable pa rin kahit bahagyang tumaas ang headline inflation sa 1.4 porsyento ngayong Hunyo mula sa 1.3 porsyento noong Mayo.

Pasok pa rin ito sa tinatayang saklaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa unang anim na buwan ng 2025, nanatili sa 1.8 porsyento ang average inflation o mas mababa sa target na 2 hanggang 4 porsyento ng pamahalaan.

Bumaba ang food inflation dahil sa murang presyo ng gulay at bigas, na pinatatatag ng mas mabuting produksyon at mga hakbang ng gobyerno.

Tumaas naman ang non-food inflation dulot ng pagtaas ng gastos sa pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel.

Nanatiling pareho ang buwanang inflation sa 0.2 porsyento at ang core inflation sa 2.2 porsyento sa ikaapat na sunod-sunod na buwan.

Inaasahan na bababa pa ang inflation sa 2025 bago bumalik sa target na antas, habang patuloy ang BSP sa pagtataguyod ng matatag na presyo para sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya.