-- Advertisements --

Nag umpisa ng mamigay ng FREE RELIV NOW milk and Food Supplements nitong Lunes June 7, 2025 ang Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club and Lady Eagles Club Hong Kong at Victory Hong Kong Lady Eagles Club na nasa ilalim ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated na itinatag noong 1979 sa Pilipinas.

Matatandaan na naganap ang kanilang Induction noong June 1, 2025 sa Bayanihan Community Town Complex sa nasabing bansa. Bilang pagtupad sa kanilang sinumpaan tungkulin na maglingkod sa kapwa tao ay inumpisahan na nga ang pamamahagi ng libreng gatas sa mga bata sa Barangay Capataan, San Carlos City, Pangasinan.

Layunin ng mga Club President na si Eagle Marlon Pantat De Guzman at Lady Club President Lady Eagle Angelyn Movilla at Lady Eagle Mherlita Quijalvo na ang pamimigay ng libreng gatas ay gagawin sa bawat membro na uuwi sa Pilipinas ng nasabing Club. Ang layunin kapag sila ay magba-bakasyon galing sa Hong Kong ay gagawa sila ng COMMUNITY SERVICE sa kanilang Barangay at isasama ang gatas sa kanilang mga Feeding Program sa mga bata na siya naman ipapasok sa Health Care Program ng Agila at susuplayan sila ng gatas at pagkalipas ng isang buwang ay emo monitor ng bawat magulang ang improvements ng kani kanilang mga anak. Ito naman ay ikinatuwa ng mga bagong kasapi ng Bagong Bayani Eagles Club dahil untu unti na nilang nagagampanan ang kanilang sinumpaan tungkulin bilang isang ganap Agila na maglingkod sa kapwa..