-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa halagang $150,000 o katumbas ng mahigit P8 milyon ang kakaibang uri ng first-generation Labubu figure.

Ang 51 pulgada na mint green figurine na gremlin-like appearance ay nabili sa Yongle International Auction House sa Hong Kong.

Ang Labubu ay kasalukuyang sikat na plush toys sa mundo na ito ay gawa ng Hong Kong born illustrator na si Kasing Lung at ibinebenta ng giant Chinese toy company na Pop Mart.

Mayroong kabuuang 48 na Labubus ang niabenta sa nasabing auction kung saan ang pangalawang pinakamahal na naibenta ay isang kulay brown na may taas na 63 pulgada at naibenta ito sa halagang $114,086 o katumbas ng mahgiit o katumbas ng mahigit P6 milyon.