-- Advertisements --

Naganap nonng JUNE 1, 2025 Sa Bayanihan Community Complex-Kennedy Town-Hong Kong. Naganap ang Orientation Seminar at Induction Ng mga Bagong membro ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club at Lady Eagles Club na pinamunoan ni Eagle Marlon Pantat De Guzman-isang OFW sa Hong Kong at Lady Eagle Angel Movilla na isang Hong Kong resident kasama ang Victory Lady Eagles Club na pinamunoan naman ni Lady Eagle Mherlita Quijalvo na isa din Hong Kong resident na nasa kanya-kanyang Region ng NCR-116 at NCR 32 sa ilalim ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.

Ang nasabing Induction ay ginabayan ng REgional Governor ng Eagles na si Eagle Samson Rivo at Eagle Elimer Catabay ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.

Muli ay nadagdagan na naman ang membro ng Agila sa Hong Kong na may layunin maglingkod sa kapwa tao dahil ang kanilang misyon-Humanitarian Service.

MAtatandaan na bago maging isang kasapi ng Philippine Eagles ang isang aplikante ay dumadaan muna ito masususing pagsusuri na tinatawag nilang 5i’s- at it ay ang INTRODUCTION-INTERVIEW-INITIATION-INCUBATION at INDUCTION- upang sila ay sanayin at subokin sa misyon ng Agila at ito ay maglingkod sa kapwa sa pamamagitan ng pinalakas na kapatiran.

Ang okasyon ay ginabayan ni Assistant Labor Attache ng Department of Migrant Workers o OWWA ng Philippine Consulate General of Hong Kong na si Angelica M Sunga na isa din membro ng Lady Eagles Club of Hong Kong. Madiin niyang sinabi na may kaakibat na obligasyon ang pagiging membro ng Agila kaya hindi dapat dungisan ito ni oman lalo na suot ng bawat membro ang logo ng Philippine Eagles.