-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Narekober at na-ahon na mula sa nabahaang mining tunnel ang bangkay ng isa sa apat na mga minerong namatay matapos ma-trap nitong nakalipas na araw sa na-condemn ng tunnel sa bukiring bahagi ng Mahunok, Sitio Cosep, Purok 11 Barangay Bayugan 3 sa bayan ng Rosario Agusan del Sur.

Hanggang sa paghihinagpis na lamang ang pamilya ni Jeffry Tabugon alyas Dior, 29-anyos, matapos itong mai-ahon sa isinagawang search and rescue operation kung kaya’t ang bangka na lang nina Arniel Alvarado, 38-anyos; Richard Bustamante, 28-anyos; at Jangan Balagno, 31-anyos; parehong residente ng nasabing lugar ang patuloy na pinaghahanap.

Una ng inihayag ng minerong si Ronaldo Torreblanca na ang pagkakalunod ang dahilan sa pagkamatay ng biktima matapos mabahaan ang naturang tunnel.

Nagpapatuloy pa rin ang siphoning operation upang maubos na ang tubig sa loob at tuluyan ng mai-aho ang natitirang tatlong minero.