Nasa 19 katao ang patay sa banggaan ng bus at kotse sa border ng Myanmar at Thailand.

Ayon kay Myanmar Social Rescue Group vice-chairman Aung Myint, patungong Yangon ang bus ng ito ay mawalan ng preno kaya bumangga sa kasalubong na kotse.

Nahulog pa sa bangin ang bus kung saan 33 katao ang nasugatan.

Ang bayan kasi ng Myawady ay land border ng Myanmar at Thailand kung saan dinaraanan ng maraming mga cargo trucks at marami ang nagaganap na askidente.