-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng karne mula sa Taiwan at Thailand.
Nakasaad sa Department Order 7 at na mula Marso 12 hanggang Marso 12, 2028 ay papayagan ang apat na foreign meat establishment mula Taiwan at dalawa naman sa Thailand.
Binigyan ng otorisasyon ng DA ang pag-angkat ng karne sa nasabing mga bansa matapos ang ginawang inspections ng kanilang mga otoridad.
Paglilinaw ng DA na temporaryong solusyon lamang mga ang pag-angkat ng mga karne mula sa ibang bansa dahil ito ay pansamantalang solusyon habang bumabawi ang bansa sa epekto ng African Swine Fever.