-- Advertisements --

Tinutunton na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga pinagmulan at koneksiyon ng iligal na online gambling sa bansa.

Ito ay sa gitna ng pinahigpit na crackdown laban sa iligal na sugal sa online sites at nagpapatuloy na mga debate sa pag-regulate dito o tuluyan ng ipagbawal.

Kaugnay nito, ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno at pinag-aaralan na ang koneksiyon ng illegal online gambling.

Isa sa kanilang tinitignan ay kung may kaso ba ng pangaabuso at harassment na tulad ng ipinagbawal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at sa online lending o money laundering.

Isusumite naman aniya ng PAOCC ang magiging resulta ng imbestigasyon sa mga mambabatas sa gitna ng mga panawagang tuluyan ng ipagbawal ang online gambling sa bansa.