-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na tumulong sa pagpapalikas sa mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Middle East.

Ayon kay AFP Chief, General Romeo Brawner Jr., layon ng kanilang hanay na makatulong sa mga Pilipinong gustong bumalik ng bansa.

Ginawa ni Gen. Brawner ang pahayag kasunod ng pagkamatay ng isang Filipina caregiver sa Israel matapos ang missile attack ng Iran.

Aniya, mayroong contingency plan ang AFP at ito ay tatawaging non-combatant evacuation operation.

Nakahanda rin aniya ang C-130 ng AFP at mga barko nito sakaling kailanganin ang evacuation ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan.

Matagal na rin aniya nila itong ginagawa noon pang mga nakalipas na dekada ng nagkaroon ng parehong problema sa naturang rehiyon.