-- Advertisements --

Hinatulan ng korte sa Iran ng anim na taong pagkakakulong si Nobel Peace Prize winner Narges Mohammadi.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Mostafa Nili na may kaugnayan ang kaso sa panghihikayat umano sa mga tao na gumawa ng krimen.

Nabigyan rin ito ng dalawang taon na pagbabawal na umalis sa bansa.

Bukod pa sa hatol ay mayroong isang taon at kalahati na pagkakakulong dahil sa propaganda.

Umaasa naman ito na mapapalaya si Mohammadi dahil sa paghina ng kaniyang kalusugan.

Sa mga nagdaang taon kasi makailang ulit ng kinulong ang 53-anyos na Nobel Peace Prize dahil sa pagkampanya laban sa Iran.

Kinokontra nito ang paggamit ng Iran ng capital punishment at mandatory dress code para sa mga kababaihan.