-- Advertisements --

Hinirang si Suchata Chuangsri mula sa Thailand bilang Miss World 2025 sa ginanap na patimpalak sa Hyderabad, India nitong Mayo 31.

Si Chuangsri ang kinoronahan bilang 72nd winner ng pinakamatandang international beauty pageant sa mundo, at siya rin ang kauna-unahang Thai na nagwagi ng titulo.

Nakalaban ng Thai beauty queen ang 107 kandidata mula sa iba’t ibang bansa at teritoryo. Kasama sa mga nanguna sa kompetisyon sina Hasset Dereje Admassu mula Ethiopia (first runner-up), Maja Klajda mula Poland (second runner-up), at Aurélie Joachim mula Martinique (third runner-up).

Una rito kinilala si Suchata sa mundo ng pageantry dahil sa nakamit rin nitong titulo noong Miss Universe 2024 kung saan nakuha ng Thai beauty queen ang third runner-up bago siya maitalaga sa Miss World Thailand 2025.

Bagamat nabalot ng kontrobersiya ang kanyang pagkakahirang bilang Miss World Thailand 2025 dahil sa pagbabago sa Thai national franchise para sa Miss Universe ay labis parin ang pinakitang suporta ng mga pageant fans sa dalagita.

Sa kabilang banda, nakamit naman ni Krishnah Gravidez na umabot sa Top 8 ang Miss World Asia matapos unang iparangal kay Chuangsri ang titulo.

Ito na ang ikalawang taon na magkasunod na ginanap sa India ang Miss World pageant.