-- Advertisements --

Isinusulong ni Krishnah Gravidez ang adbokasiya niya para sa ”safe spaces” para sa kabataan sa kanyang kampanyang “Color the World with Kindness” sa Miss World 2025.

Sa Head to Head Challenge ng pageant sa India, ibinahagi ng Filipina beauty queen na kasama siya sa mga nagtatag ng proyekto noong 2022 upang magbigay ng ligtas at mapagkalingang lugar para sa mga bata.

Sa pamamagitan ng proyekto, nakatulong si Krishnah sa pagpapatayo ng mga early learning centers at konkretong bahay para sa mga pamilyang mahihirap sa Irisan, Baguio City. Bilang pangarap na maging civil engineer, layunin niyang hindi lang magtayo ng gusali kundi bumuo rin ng matatag na komunidad.

Sa kabilang banda, napabilang si Krishnah sa mga finalist ng talent competition ng Miss World at kasalukuyang nasa ikaapat na pwesto sa hot picks ng Missosology.

Umaasa siyang maibibigay sa Pilipinas ang ikalawang Miss World crown matapos ang pagkapanalo ni Megan Young noong 2013.

Samantaka gaganapin ang coronation night ng Miss World 2025 sa Mayo 31 sa India.