-- Advertisements --

Krishnah Gravidez, tutukan ang pagpapalawig ng kanyang charity works matapos makabalik sa PH

Balik Pilipinas na si Krishnah Gravidez, matapos ang kanyang matagumpay na naging laban sa Miss World 2025 kung saan nakamit niya ang titulo bilang Miss World Asia at Top 8 finalist.

Sinalubong si Krishnah ng mga fans nito sa NAIA Terminal 1 noong Huwebes ng gabi.

Suot ng beauty queen ang isang ivory na damit na may mga gintong detalye, bitbit ang isang bouquet at isang maliit na bandila ng Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Krishnah na masaya siyang makabalik sa bansa at ibahagi ang tagumpay sa mga Pilipino. Nais din niyang palawakin ang kanyang charity organization na Color the World With Kindness.

Ayon kay Miss World Philippines national director Arnold Vegafria, magiging bahagi si Krishnah ng Miss World tour, ngunit karamihan sa kanyang mga proyekto ay sa Asia.