-- Advertisements --
Magsasagawa ng homecoming parade si Miss World Asia 2025 Krishnah Gravidez matapos ang pagsabak nito sa 72nd Miss World pageant sa India.
Gaganapin ngayong Hunyo 7 ang parada dakong alas-3 ng hapon sa isan mall sa Pasay City.
Ayon sa Miss World Philippines, na iniimbitahan nila ang publiko para saksihan ang kasaysayan sa panalo ni Gravidez.
Nakabalik na sa bansa si Gravidez nitong Huwebes matapos ang tagumpay na pageant sa India noong Mayo 31.
Nakuha naman ni Opal Suchata ng Thailand ang titulo ng Miss World ngayon taon.