-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Isinailalim sa red alert status ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay para sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay FO1 Maria Fe Señeres, tagapagsalita ng BFP Boracay, nasa 42 personnel ang nakaduty sa kanilang tanggapan matapos na hindi pinayagan ang day-offs at leaves sa bawat kawani nito.

Ito ay upang matiyak ang buong pwersa ng ahensya sa oras ng emerhensiya.

Dagdag pa ni Señeres na nakaalerto ang kanilang hanay sa lahat ng oras pati na rin ang kanilang mga kagamitan.

Samantala, regular ang paglilibot ng mga ito sa isla upang tiyakin na walang nagbebenta ng anumang uri ng firecrackers dahil sa mahigpit na ipinagbabawal ito sa Boracay.

Sa kasalukuyan ay nasa 14 na accomodation establishments na ang nakakuha ng permiso mula sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na magsasagawa ng fireworks and pyrotehcnics display sa pagsalubong ng Bagong Taon na isa sa inaabangan ng libo-libong turista at bakasyunit sa pamosong isla.